Ang pamilyang Jones ay isa sa mga sikat at marangyang pamilya sa bansa dahil sakanilang matagumpay na negosyo. Si Ayumi Lorraine Jones ang nagi-isang unica ija ng kaniyang pamilya at halos lahat ay nasa kaniya na ngunit ang inaakala ng karamihang perpektong siya ay malaking hindi pala dahil siya'y may tinatagong sikreto, malaking sikreto na sapat na para sumira sa pangalan ng pamilya na pinagmulan niya. At iyon ang pagtuturo niya kung paano humalik ng tama at mala propesyonal. Ngunit ito'y kaniyang tinalikuran ng tumapak siya sa kolehiyo, kinalimutan niya ang dating siya at nag simula ng panibagong buhay bilang isang totoong Jones. At sa isang iglap nawala ng parang bula ang tinaguring Good Kisser. Ngunit, sabi nga sa kasabihan.. "Walang sikretong hindi nabubunyag." Nabunyag ang kanyang pinakatago tagong sikreto at ang masakit pa doon ay sa harapan pa ng lalaking mahal na mahal niya. Paano kaya siya tumayong muli? Paano kaya siya nabuhay ng wala sa tabi niya ang lalaking minahal niya ng sobra? Mabalik pa kaya ang dating siya o mag-bago ang lahat pati sarili niya?
52 parts