Pano kung may mahal ka pero isang araw nawala nalang siya sa piling mo, nawala nalang sa isang iglap na hindi mo namamalayan isang masayang alaala nalang pala ang bumubuhay sa patay mong puso.. Habang buhay mo nalang ba ikululong ang sarili mo sa taong wala naman sa tabi mo. Iiyak at magkukulong ka nalang ba sa kwarto mo at hindi lalabas. Mag papakaEmo ka nalang ba habang ang ibang tao sa paligid mo masayang ng kekwentuhan kasama ang mga kaibigan nila.. Mabubuhay at mananatili ka nalang ba sa masayang nakaraan ? O ipagpapatuloy mo ang naudlot mong masayang buhay at walang ibang iintindihin kundi ang magmahal ng mga tao sa paligid mo.. Ito pala ang kwento ko ang kwento kung saan namatay ang puso ko dahil sa isang lalaking minahal ko ng sobra pero nawala sa piling ko...