Sa isang lugar sa kontinenteng Pang na itinuturing "City of Lights" ng karamihan, ang lungsod ng Harappa ay kasalukuyang idinaraos ang pagdiriwang at pagsalubong sa naturang kasagsagan ng Dei Luminae. Ito ay isang di pangkaraniwang pangyayari na ginaganap lamang sa pagkalipas ng kabilugan ng buwan sa loob ng limang dekada. Sa tuwing ito ay gaganapin samu't saring ilaw at iba't ibang hugis ng mga bituin ang masisilayan sa kalangitan, ito mas kita sa gawing kanluran ng lungsod ng Harappa kung saan naroroon ang dating matayog na punong balete na ngayon ay pinatayuan ng mataas na torreng gawa sa bato. Sa pamamagitan ng torreng ipinatayo ng mga mamamayan ng lungsod ng Harappa mas ma oobserbahan nila ang Dei Luminae na ngayong ay nanatiling misteryo pa rin sa kanila. Lingid sa kaalaman ng lahat habang ginaganap ang Dei Luminae, isang di kilalang bagay ang bumaba sa langit at tinamaan ang isang batang tahimik na pinagmamasdan ang mga nagaganap sa kanyang paligid. At dito nagsimula ang lahat.All Rights Reserved
1 part