Sa panahon ngayon, maraming tao ang nakakahawak ng malyete (gavel). Kung saan saan mo sila makikita; sa may tindahan, mall, yung kaklase mo o kaya minsan ay nasa salamin kapag humaharap ka dito. Mapapaisip ka na lang kung nakapagtapos ba sila ng law, political science atbp, kasi kung magtrabaho sila ay mayroong Phd sa field nila.
Sila'y nanghahatol at sisintensiyahan ka kaagad nila. Pero may karapatan kang manahimik ngunit wala ka ng karapatan sa abogado sapagkat ang sistensiya kaagad sa iyo ay kamatayan.