A love story will never have a happy ending because it shouldn't end in the first place. Kaya nga alam ko na yung engagement namin ay umpisa palang talaga ng love story na ito, kaya lang iba din ang love story sa totoong buhay at sa mga pelikula. Para kasing simple lang ang buhay sa pelikula, onting komplikasyon, onting away, pero sa ending alam mong magkaka-ayos din ang lahat at kakanta sila ng happy songs, magsasayaw tapos credits na. But not us, not with our story anyway. Dahil yung akala ko na greatest love story ever ng buhay ko ay madami pang haharapin, madami pang susuungin, madami pa kong dapat kaining bigas. Alam kong kaya ko itong harapin dahil kasama ko sa paglalakbay na ito si Niel, pero paano kung yung taong alam kong kasama ko sa pagharap sa mga problemang ito ay siya ding magiging dahilan ng mga sakit sa puso ko? I'm Maxine, and I'm ready to be the CEO's Wife. = second book of CEO's Son =