Stephanie " Steph" Kim ay isang babaeng nangarap magkaroon ng 'magic'. Pero nabago ang lahat ng dahil sa isang pangyayaring pinaniwalaan niyang totoo sa mahabang panahon at namuhay na may galit at lungkot sa kanyang puso. Siya ay naging isang gangster na kinatatakutan dahil pag siya'y lumalaban ay palaging panalo at patay ang kanyang kalaban. Ngunit magbabago ang buhay niya at buhay ng kanyang ibang kaibigan sa pagpasok sa isang paaralan puno ng hiwaga. Ang bagay na kinamumuhian niya noon ay ang bagay na nasa kanya ngayon. Kakayanin kaya niya ang lahat ng pagsubok? Makakahanap ba siya dito ng kaligayahan?