Book 2: Dear Heart, Why Him? Book 3: Dear Heart, Why Her? (Justin's POV) *"DEAR HEART, WHY ME?! previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")" Book 1 of Dear Heart Series* Relationship goals. Andrea Marie "Andie" Crisostomo and Justin Rosales have that kind of relationship sa mata ng mga nakakakilala sa kanila. 'Yun tipong kakainggitan mo na sana ganyan din kayo ng karelasyon mo. They're so cute together. Both good-looking, athletic, famous... perfect-match nga daw sabi ng iba. Pero may mga bagay na hindi nila kontrolado. They're both inlove with each other but in just a snap, they broke up. Napilitan lumipat ng school si Andie just to continue pursuing her dreams at kalimutan ang lahat ng sakit na idinulot sa kanya sa dati nilang school. Do'n niya nakilala si Kristoffer "Toffee" Alemania, Jr. Sobra silang nagkasundo sa lahat ng bagay. There's something in him na nagpabalik sa kanya para ipagpatuloy na magtiwala sa mga tao at alisin ang galit sa puso niya. They became best of friends. Halos 'di na sila maghiwalay literally to the point na nagsama pa sila sa iisang bahay. Madami nag-aakala na may relasyon sila pero wala talaga. Mahal naman nila ang isa't isa, aminado naman sila do'n kahit alam nila sa mga sarili nila na kailanman ay hindi maaaring maging sila. May ibang mga nanligaw sa kanya pero ni-reject niya lahat ng 'yun dahil kuntento na siya sa kung anuman meron sila ni Toffee. Ngunit paano kung magtagpo ulit ang landas nila ni Justin? Paaano kung sa kabila ng lahat ay maramdaman niyang mahal pa din niya ito? Would she still give it a try? Kahit ang kapalit nito ay ang unti-unting paglayo ni Toffee sa kanya? DATE STARTED: 2015 DATE FINISHED: July 11, 2016All Rights Reserved