Naniniwala ba kayo sa "TADHANA"?
Kung oo, parehas kayo ni Heather Ivy De Leon.
Pero mukhang iaasa niya lahat sa tadhana at masisira ang pinakainaalagaan niya.
Destiny's Twelve o'clock - iyan ang isang larong pinaniniwalaang makapagsasabi kung sino ang nakatadhana para sa'yo. Pero alin nga ba ang mas paniniwalaan mo? Ang reyalidad ng buhay na nagpapaalala sa ating hindi lahat ay pinapaboran ng tadhana? O ang mapaglarong tadhanang walang kinikilalang sino man?