Phyam Barrameda is a well-known news caster. Dream come true para sa kanya nang ibalitang siya ang napupusuang pumalit sa pwesto ng kanilang batikang anchor. Everything is perfect. Maganda ang estado ng kanyang career at matatag ang pagsasama nila ng kanyang boyfriend ngunit nang tumungtong siya ng bente-singko, napag-alaman niyang ang kanyang makisig at gwapong boyfriend ay isa palang bakla. Ang inakala niyang perpektong buhay, sa isang iglap ay naglahong parang bula. Masyado niyang dinamdam ang nangyari sa kanila ni Kurt kung kaya naaang career niya. "Kung gusto mong maibalik ang chance to be the anchor, isa lang ang paraan. Ikaw ang ipapadala para interviehin ang Magnus." Kapit man sa patalim ay pinatos niya ang offer ng big boss sa kanya. Siya ang ipapadala sa kuta ng mga terorista. Dito niya makilala ang mayabang na news caster ng kalabang istasyon, si Rios. Sa pagkakakidnap sa kanila, ang masalimuot niyang buhay ay lalo pang gugulo.