Ang gusto ko lamang ay umangat sa buhay. Ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking magulang at mga kapatid ang aking unang prayuridad. Lahat ginagawa ko para maging matagumpay. Lahat pinapasok ko para kumita. Nagkaroon nga ako ng isang oportunidad. Akala ko ito na ang tulay para sa aking magandang kinabukasan. Ngunit mali ako. Maling mali. Isang pagkakamali na nagpabago ng buong buhay ko. Imbes na gumanda ang buhay, impyerno ang kinaharap ko. Sa halip na mapunta ako sa magandang bukas, isang madilim na daan ang napuntahan ko. Ako si Lea, at ito ang kwento ko. ---------------------- This story is based on a real life experience I heard from news. What you are about to read is what other people especially our OFW experienced when our fellow individual take advantage of our destitution. I hope you don't just enjoy reading it but rather make your mind open to the real world, to the real meaning of hell here on earth.