Dane's Fate series 1 A year ago, iniwan ko ang lahat lahat sa human world. Ang buhay ko noon ang maganda, masaya, at malayang malaya. Ngunit nang napunta na ako sa kakaibang mundong ito, akala ko noon ay simple lang din ang buhay pero ibang iba pala ito sa inasahan ko. So i had to adjust. Nung una, hindi ko alam ang gagawin ko, kung tama ba ang mga pinanggagawa ko. Sana tama. At naging masaya naman ang naging pamumuhay dito. Naging mala- perfect ang lahat para saakin. Ngunit dahil sa isang pagkakataon. May nalaman ako na dapat ay alam ko na noon pa. A history na dapat ako ang may alam. Sobrang nalito ako. Hindi ko na alam ang gawin. Hindi ko alam ang pipiliin. Hindi ko alam kung saan magsisimula, Bilang isang Alpha Luna.