Mahal niya si Hannah, ang kanyang guitar buddy and bestfriend. Kahit bata pa siya alam niya na ito. Kaya mahirap na malaman na iba pala ang magpapasaya dito. Hindi siya, kundi si Renz na kapitbahay niya. Kahit mabigat sa loob nakipagkasundo siya kay Renz. Lumipas ang panahon tumira siya sa Korea at sumikat bilang miyembro ng sikat na grupong Sherlock. Kahit na matagal na panahon na ang lumipas hindi parin nagbabago ang damdamin niya para sa kanyang long lost childhood friend, ang kanyang first love na si Hannah. Ngayong magbabalik Pinas siya makikilala pa kaya siya ni Hannah?