Prolouge:
Chinat.
Nakilala.
Naging friends.
Naging mag-bestfriends.
Na-fall.
Pero isa kong malaking torpe.
Hindi ko magawang aminin sa bestfriend ko ang nararamdaman ko sakanya. Unti-unti na kong nahuhulog, yung para bang pag di ko lang siya makita isang araw, di ko kakayanin.
Ayokong aminin sakanya dahil natatakot ako. Natatakot na baka iwasan niya ko. Natatakot na baka di niya ko pansinin. Ayoko.
Pero baka naman pag di pa ko umamin, maunahan na ko. Mauunahan ako ng ibang mga lalaki. Pano nalang ako? Di ko na alam ang gagawin ko. Baliw na kaya ko?
Ang tanga ko.
Isa kong malaking tanga.
Ako si Lincoln Breckett. Medyo gwapo, mvp ng basketball, mabait, lahat na ng katangian na hinahanap ng isang babae nasa akin na. Pero hindi, torpe ako. Naging torpe ako nang dahil sa isang babae.
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.