6 جزء
undefined أجزاء مستمرة "Tila kilala ako ng lahat, ngunit hindi ko sila kilala..."
Naniniwala ba kayo sa time travel? Yung maaari kang makapunta sa hinaharap o di kaya naman ay sa nakaraan. Wala pang nakakapagpatunay na totoo ito, pero . . . paano kapag naranasan mo ito? Ano ang gagawin mo?
Isang karaniwang babae lamang si Tianna Vera Aguilar, masipag, mabait, palabiro at hindi maitatangging kaakit-akit, ngunit may isang problema, nagawa niyang makabalik sa nakaraan ng hindi niya nalalaman kung papaano.
Ngunit nakakapagtaka na tila kilala siya doon, dahil hindi niya naman alam kung sino ang mga makalumang tao na nakikita niya at nakakakilala sa kaniya, habang tumatagal siya doon ay nakilala niya si Emillio Yoel Dela Cruz, ngunit hindi niya alam na may lihim pala itong tinatago, na naging dahilan upang makilala niya si Marcel Adam Valentino na siyang magiging dahilan upang magulo ang kaniyang isipan kung gugustuhin pa ba niyang umalis sa nakaraan at bumalik sa mundong kaniyang pinanggalingan.