Ang pag-ibig ay tungkol sa kung hanggang kailan ka maghihintay sa tamang taong nakalaan para sa'yo. Ika nga, kung marunong kang maghintay mas pagpapalain ka.
Kung maghihintay ka, mas makakasigurado kang mapupunta ka sa tamang tao. Yong taong di ka sasaktan, yong taong di ka iiwan.
Eh paano kung yong taong hinihintay mo ay ang maling tao?
Paano kung ang paghihintay mo ay mauwi lang sa wala?
At paano kung, isip mo lang yong patuloy na naghihintay pero si puso mo, matagal nang sumuko?
Ang pag-ibig ay pagtitiis. Minsan, kahit alam mong hindi totoo ang mga pinapakita sa'yo at nakikita mo, tinitiis mong isipin na totoo ang lahat ng yon. Pinipilit mong maniwala sa kasinungalingan. Kaakibat ng saya na dulot ng pagmamahal ay pighati.
lahat ng pag ibig ay may kaakibat na sakit ika nga nila, kakambal na ng pag ibig ang sakit. hindi pwedeng mag mamahal ka ng hindi nasasaktan.
ngunit kahit napakasakit ng naidudulot nito sa tao hindi pa rin natitigil ang pag mamahal na ipinapakita.
hanggang kailan kaya ito tatagal? magiging kami kaya? O hahayaan at tatangayin na lang ng alon ang pag mamahal na matagal ko ng ibinaon.
ngunit ang alon ay umaalis at bumabalik. katulad ng pag ibig kailangan isip, damhin, sisirin baka sa huli masaktan ka ng alon na patuloy na bumabalik sayo.