"Ate pa bili po ng bigas isang kilo yung indian rice po" pang aabala ko kay manang na aliw aliw sa pinanonood nya sa tv. Nang lingunin ko ay Awit ng Tanghalan sa Showtime pala. Fan din ako nito kaya ate pki bilisan naman ng bigas ko. "Eto sukli, hoy!" Sagot ni manang ng di ko namalayang tapos na pala nyang timbangin ang binibili ko. Na aliw din ako sa panonood. Hehe Umalis na ako at binilang ang sukli ko. P27 pesos. Napakunot noo ako sa lumang lumang at halatang andaming pinagdaanang kamay na P20. Ngunit mas nakuha ng atensyon ko ang numerong sinulat sa pera. "Wanted textmate: 09..." "Hmmm, ma the text nga" sabi ko ng masave ko na sa phone ko. Comment po ;)
1 part