Naging mahirap para kay Ana ang pag-iwan sa kanya ng kanyang nobyo na si Jino. Labis na naapektuhan nito ang kanyang pagkatao. Akala niya ay hindi na maaalis sa kanyang isipan si Jino dahil na rin sa pagmamahal niya rito. Kaya't hindi ito naging madali para sa kanya. Dahil sa patuloy na paglipas ng panahon ay wala pa rin siyang pinagbago. Hindi niya pa rin kaya. Hindi pa rin pala niya kayang tanggapin ang paglisan ni Jino. Ilang beses man niyang sinubukan na bumangon, sa huli ay palaging siya pa rin ang laging talo. Pero hindi doon natapos ang lahat nang makilala niya ang isang lalaki. Ang lalaking tumulong sa kanya upang bumangon. Ang lalaking nagbigay ng bagong daan patungo sa kanyang hinaharap. Si Jarren.All Rights Reserved