32 parts Complete Masipag at mabuting anak si Maria Gabriela Tereza Centeno o Gabbie, for short. Pangarap niyang makapag-abroad upang maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan. Kaso, nang magpaulan ng kamalasan ang langit, mukhang may bitbit siyang drum at sinalo niya lahat!
Nabangga niya ang basketball superstar na si Phoenix Castro. At labag man sa loob niya, napilitan siyang maging therapist nito nang walang bayad para lamang hindi siya nito idemanda.
Noong una, ay halos isumpa niya ang gwapong basketbolista dahil sa kasungitan nito. Kaso habang tumatagal, naramdaman na lamang ni Gabbie na unti-unti na siyang nahuhulog dito. Ang walangya! Mukhang ginamit nito nang husto ang gandang lalaki nito at ang signature 3-point shot nito para tuluyang mai-shoot ang puso niya sa basket ng pagsintang tunay para dito. Kaya lang may problema. Mukhang their feelings will never be mutual dahil si Phoenix, hindi na naniniwala sa pag-ibig. Ever!
Aray! Magrereklamo na ba siya ng foul? Dahil ang kamalasan, mukhang wala pa siyang balak lubayan.
Date started: Nov 8, 2019