❝ Mahal na mahal ko ang cellphone ko. Gaano man kami kahirap, hindi 'yon magiging hadlang para makita ko si Jin.❞ -Kyla
Mahirap maging isang mahirap na fangirl. Maraming gustong bilhin na hindi mo mabili. Gusto mo man makapunta sa concert ng paborito mong boy group, hindi ka pa makapunta. Lalo na kung yung pamilya mo,hindi ka suportado sa pagiging fangirl mo.
Kilalanin si Kyla, isang die hard fangirl ng BTS o ang Bangtan Boys. At subaybayan ang pinakamamahal niyang cellphone. Ang cellphone na parang karugtong ng kanyang buhay. At ang nag-iisang bagay na naging tulay para mamulat ang kanyang isipan sa mundo ng KPop.
Author: Lunajiminies
All Rights Reserved 2016