64 Bagian Lengkap This is how it should go according to your typical romance story available in all bookstores nationwide:
May lalaking ubod nang yaman, saksakan nang gwapo at higit sa lahat, babaero. Because of some sort of bet, magiging goal ng fuckboy ng taon na paibigin ang magandang leading lady na may busilak na kalooban.
As we know, mafa-fall 'yong good girl sa playboy kahit may super bait itong lalaking BFF na cute din naman at matagal nang may crush sa kanya pero nasa friend zone pa rin. Mafa-fall din si playboy at pipiliin siya ni girl, leaving her BFF heartbroken but available for the sequel.
Magiging loyal na si ex-playboy tapos may temporary happiness sila hanggang malaman ni good girl na nag-umpisa lang pala ang lahat sa pustahan. Pero syempre, mapapatunayan ni ex-playboy na mahal niya talaga si good girl kaya papatawarin siya nito and they'll live happily ever after.
Alam na alam ni Sage Hermoso ang gasgas na plot line na 'yan kaya naman kampanteng-kampante siyang mahuhulog si Lily sa kanya. At dahil nga alam niya na ang plot line, hindi niya na hahayaang siya ang mahulog kay Lily. Sisiguraduhin niya ring hindi na makaka-extra si Ken, ang BFF ni Lily.
Unfortunately for Sage, mali ang assumptions niya. Maling-mali.
But then again, that's exactly what he deserved for thinking that his life will fit seamlessly into an overused narrative.