" I'm sorry " saad niya may nabangga pala akong kung anong ewan alien ba 'to? Kasi balot na balot eh o baka nilalagnat? Ano bang pake ko sa babaeng 'to? Iniangat niya yung mukha niya dahilan para makita ko ang kanyang mukha. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina lang at magpapakabait na ako promise. Oo si Dansel yung nakita ko yung sikat na artista at direktor sa buong mundo. Idol ko 'to eh I mean mahal ko na ata. " Ssh huwag kang maingay " wika niya. Hinila niya ako papunta sa isang bakanteng room.Hindi ako mag iingay dahil kung ikaw ba naman makita ang idol mong KPOP ng hindi inaasahan mag iingay ka ba? Syempre hindi kasi gusto mo siyang solohin. Sh*t ang swerte ko talaga. Ang gwapo ko kasi. Ito na ba yung pagkakataon na ilahad ko ang pagmamahal ko kay Dansel? Pwe! Kadiri ang korni bwiset. Kabado parin ako sa tuwing pumupunta ako sa mga events niya. Pero naniniwala parin ako sa sarili kong kasabihan. " Gwapo ka Leonardo at dapat confident ka "