39 parts Complete Mature"THE FATE BETWEEN US"
An Original Novel by: OutcastMiND
Minsan nang pinagtagpo sa isang hindi inaasahang pagkakataon sina Clark at Yanni... Isang pagtatagpo na hindi dapat nangyari para kay Yanni. Isang pagtatagpo na mabuti na lang ay nangyari para kay Clark. Para sa isang Elianni Severino, ginulo ng tagpong iyon ang buhay niya at iyon din ang dahilan ng pagkawasak ng puso niya. Para sa isang Clark Bermudez naman, niligtas siya ng tagpong iyon mula sa isang balak na hindi niya dapat naisip.
Ngunit sa muling pagkumpas ng kanilang tadhana, muli na naman silang pagtatagpuin. Sa pagkakataong ito, uusbong ang isang hindi inaasahang pagkakaibigan na posibleng mauwi sa pag-iibigan. Paano kung sa gitna ng kanilang pagmamahalan ay dumating ang hadlang ng kapalaran? Paano kung ang pinanghahawakan nilang pag-iibigan ay bawal pala nilang maramdaman? Sadya nga bang mapagbiro lang ang tadhana o paraan lang ito ng pagkakataon para matuklasan nila ang kanilang magkaugnay na kahapon?