Lihim na lihim ang paghanga ni Kimberly sa kanyang boss na si Alexander Xian Lim. Ngunit naipaparating niya rito ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng text messaging. Kuntento na siya sa pagiging secret admirer nito at wala naman talaga siyang balak na magpakilala pa. Ngunit na involve siya sa di inaasahang pangyayari at ang tanging lusot lamang upang makawala siya ay ang aminin kay Xian ang kanyang identity. Na siya ang laging katext nito. Buhay niya ang nakataya kaya yuko ang ulo na umamin siya rito. Imbes naman na magalit si Xian, nag offer pa ito na tulungan siya nito na makawala sa gulong yun. Kaya naman ang kanyang paghanga ay naging full-blown love.
7 parts