"Hindi kita mahal! Bakit hindi mo maintindihan iyon! At mas lalong hinding hindi kita mamahalin! Stop pushing yourself to me!", gigil na sigaw ni Xander kay Jessica matapos itapon ang pagkaing pilit pinagsisik-sikan ng dalaga rito. Natigilan siya matapos makita ang pagdaloy ng mga luha sa mata nito. Hindi niya iyon inaasahan. Akala niya kasi ngingiti at tatawa lang ito kapag pinagsasabihan niya katulad ng palagi nitong ginagawa. Ngayon niya lang nakitang umiyak ito. Kumunot and kanyang noo ng makitang hinawakan nito ang dibdib na parang hirap na hirap sa paghinga. "O-okay. E-enough. H-huwag k-kang mag-alala dahil titigil na ako", hirap na hirap na bigkas nito. Para siyang tinulos sa kanyang kinatatayuan. Parang tumigil ang tibok ng puso niya. Binaling niya sa iba ang kanyang tingin dahil hindi niya kayang makita habang nasasaktan ang dalaga. "A-ayoko na! P-pagod na pagod a akong mahalin ka. Sabi ko noon hinding hindi ako susuko. Hinding hinding kita susukuan hanggang sa mahalin mo rin ako. P-pero mali pala ako",pilit pinapakalma ni Jess ang sarili. Naninikip na ang kanyang dibdib. "Ang sakit sakit na Xander. S-sana sa pag-alis ko maging masaya ka na" Hindi maipaliwanag ni Xander kung saan galing ang takot na nararamdaman niya. "M-mahal na mahal kita Xander. Alam kong alam mo yun",nahihirapang bigkas nito. Tumalikod na ito at dahan dahang naglakad palayo. Pinanood lang ni Xander ang dalaga hanggang sa hindi na niya ito makita. Later did he learn na iyon na pala ang huling pagkikita nila ng dalaga dahil umalis na ito ng tuluyan sa buhay niya. Tama ba talaga ang desisyon niya? Bakit ngayong wala na ito hinahanap hanap niya ang presensiya nito...... Jessica #14 teenfiction #7generalfiction #2 chiklit #1 spg13 #1 fanfiction #17 romance #2 dramaAll Rights Reserved