Limang buwan. Iyon na lang ang natitira sa Likha para isalba ang magasin sa pagsasara nito. Si E. Pineda, long-time na tagahanga ni Isaac Riggs, na siya ring hahanapin ng manunulat. At si Isaac Riggs, manunulat na nagtatago sa alyas niya at ang maaaring makapagligtas sa Likha. Si Ana Pineda, empleyado sa Likha at ang naatasang trumabaho sa article ni Isaac Riggs. At si Mark Guevarra, isang bago at may pagka-tatanga-tangang tauhan sa Likha, na kinaiinisan ni Ana Pineda. Si Joseph, isang lalaking hinahanap ang soulmate niya. At si Eun, ang soulmate na hinahanap niya. Makumbinsi kaya ni Ana Pineda si Isaac Riggs na limang taong pinaghirapan itago ang tunay na katauhan? Maisalba pa kaya ang Likha kung mission impossible na lang tanging daan na mayroon sila? Mahanap kaya ni Isaac Riggs si E. Pineda, isang tagahangang nakagalaw sa kuryosidad niya. Kaibigan o karibal, ano kayang tunay na posisyon ni Mark Guevarra sa buhay ni Ana Pineda? Mahanap kaya ni Joseph at Eun ang isa't isa? At paano na lang kung lahat sila ay magkatagpo-tagpo na?