Buwisit sa buhay ni Jaisie si Beverly, ang campus sweetheart na gandang-ganda sa sarili. Okay na sana kung feel na feel lang nito ang pagiging future beauty titlist pero libangan pa talaga nito ang manlait? At ang madalas nitong pag-trip-ang laitin at alipustahin, siya. Kaya para makaganti sa bruha, nang yayain siya ni Monty, ex ni Beverly, na magkunwaring girlfriend nito, ay go agad siya. Kung may future sa mundo ng beauty pageants si Beverly, si Jaisie naman ay puwedeng career-in ang pag-acting. Ang husay niyang umarte. Sila ni Monty. Paniwalang-paniwala si Beverly na sila na talaga ng lalaki. Sa sobrang husay ng drama nila, pati nga si Jaisie, gusto ng maniwala na may future sila ni Monty. Pero nabubulagan lang ba talaga siya o talagang may something na sa pagitan nila ng lalaki? She soon found out. And not in a nice way.