Alam mo. Ang sakit. Sobra. Sana may pain killer din para sa puso no? Yung kapag ininum mo mawawala na yung sakit at kirot sa loob. Yung makakalimutan mo na lahat ng sama ng loob. Sana may pain killer. Kasi kung meron? Lalaklakin ko na agad lahat ng makukuha ko. Para hindi na sila mambulabog sa puso ko. Napakasakit kasi eh. Gusto ko umiyak pero dahil sa dami na ng sakit mukhang wala ng malabas yung mata ko. Gusto ko ilabas pero bakit tila nakandado sila sa loob. Napakasakit. Love hurts nga talaga. Ano na kayang gagawin ko? Did you ever had an experience of making some advise to the person you love the most? Naranasan mo na ba yung sakit nun? Na dapat naman hindi to nangyayari kung nagtino sana sya. Na dapat okay naman kayo kung hindi sya nagloko. Kaso iba eh. Iba yung naging takbo. Naging pangalawa ka na ba sa taong inuuna mo? How the pain is? Para kang sinasaksak harap harapan ng taong pinakamamahal mo. Nararamdaman mo ba yung sakit?All Rights Reserved
1 part