"mahal kita..." Madalas niyang sabihin saakin ang mga salitang yan. Walang araw na hindi ko maririnig ang mga katagang yun galing sa kanya. Nung una naiinis ako kada maririnig ko yun pero habang tumatagal, parang hindi na kumpleto ang araw ko pag hindi niya ako sinabihan niyan. Kaya lang laging may kadugtong na "..joke lang" sabay tawa ng malakas. Syempre masakit. Kung pwede nga lang alisin na niya yung 'joke lang' eh. Kaya naman hindi ko sineseryoso yung sinasabi niya. Kasi nga alam kong nanti-trip lang siya. Pero nagbago ang lahat ng yun nung tinuro niya saakin ang sinasabi nilang, "some jokes are half meant" Hindi ko makakalimutan nung unang beses na pinagtagpo kami ng tadhana.