Story under construction. . . Editing pa po.
--------------------------------------------------------------------------------
Ang kasinungalingan ay nagiging katotohanan...
Ang katotohanan ay nagiging alamat...
Ang alamat ay nagkaroon ng propesiya...
Ang propesiya ang naghuhubog sa kanila...
Sa mundo kung saan malayang nabubuhay ang mahika, ay nagtatago ang istorya ng pighati, pagkawasak at paglilinlang. Dito mag-uugat ang walang katapusang paghihiganti, at magbubunga naman ng kamatayan.
Sa panahon kung kailan unti-unting naghahari ang kadiliman, ay magsisimula namang matupad ang nakatadhana. Isang buhay ang mag-iiba ng takbo ng kapalaran, at siyang nakatakda para baguhin ang paniniwala ng buong bansa. Ngunit paano mangyayari ito kung ang mismong kalaban niya ay ang kanyang sarili?
Ito ang kwento ng paglalakbay mula sa pagkukunwari patungo sa katotohanan. Sa bawat katanungan ay may nagtatagong kasagutan. Sa bawat hakbang ay may nakaambang na surpresa. Kung ang tadhana na ang makikialam, mangyayari ang hindi inaasahan. . .
-------------------------------
Genre: Adventure (mahilig silang lumakwatsa), Fantasy (walang duda), Action (bakit ang lamya?), Romance (meron ba?), Shoujo (bakit parang shounen), Mystery (san banda?!), Mature (kaunti lang dahil sa violence), Shoujo Ai (joke lang)
Settings: Mala-medieval period ang dating
POV: 3rd Person
Basta parang anime lang ang peg...
"Para sa lahat siya ay inosenti, pero sa likod ng maamong mukha nagtatago ang mapait na katotohanan sa tunay niyang pagkatao..."
SYNOPSIS
Aya Natsume, kabilang sa angkan ng mga Natsume na nagtataglay ng kakaibang mata. Mata ng hinaharap kung tawagin iyon at mamula-mula ang iris katulad ng sa dragon. Kakaiba sa ibang nilalang si Aya dahil likas na hindi pangkaraniwang tao ang pinagmulan niyang angkan sa isang siyudad ng Japan. Marami siyang kayang gawin na hindi magagawa ng normal na tao lamang. Bihasa siya sa martial arts technique, kaya ilag ang lahat dito. Palagi niyang dala-dala ang espadang magkakaroon ng malaking papel sa buhay niya. . . ang Soktoreggie na orihinal na pagmamay-ari ng kanilang angkan.
Pangkaraniwan kay Aya ang umalipusta ng kapwa. Walang sinasantong tao ang katulad niya. Siya na yata ang tarantado sa pinakatarantadong babae. Kaya naman ang lahat ay ayaw sa kaniya.
Dumating sa puntong sa eskuwelahan na rin ng mga kapatid niya mag-aaral si Aya. Natuwa naman siya nang labis dahil natitiyak niyang mag-e-enjoy siya sa bagong papasukang eskuwelahan ng mga kapatid. Pero ang inaasahan niyang karanasan sa eskuwelahan ay panandilaan lang pala.
Dahil may darating na magpapabago sa takbo ng kaniyang buhay at mga layunin. Unti-unting mabubunyag ang mga sekretong matagal na niyang iningatan.
Kalakip nito ay sumpang matagal nang itinakda ng tadhana simula nang mahawakan niya ang bagay na isinugo ng Diablo . . .
. . . na ang tanging Hatid lamang ay pagdurusa at kamatayan sa mundong kaniyang ginagalawan.
SECRET
Love Story...
Experience the blazing fire of PASSION and LOVE. Cry out with the PAIN and WOUNDS they cause no matter how much time it takes to HEAL there still will remain...
SCARS