Naniniwala ba kayo sa tadhana? 'Yun bang tipong lumipas man ang mahabang panahon, marami mang taong dumating sa buhay niyo, nagbago man ang pananaw niyo sa buhay, galit ka man sa kanya, kayo pa rin pala talaga ang para sa isa't-isa? 'Yung akala ninyong tapos na, magsisimula pa lang pala. Simula ng pagbuo ng pangarap ninyong naiwan sa nakaraan. Ngunit ano kaya ang mangyayari kung nalaman mong maayos na pala ang buhay niya? Paano kaya ang pagmamahal mo sa kanyang imbes na nawala sa loob ng sampung taong hindi kayo nagkita ay mas lalo pang nadagdagan pagkatapos mo siyang makitang muli? Ano nga ba ang mangingibabaw, ang galit mo sa kanya sampung taon na ang nakalilipas o ang pagmamahal mo sa kanyang sampung taon na ay hindi pa rin lumilipas? Ang istoryang ito ay may kinalaman sa totoong buhay ng inyong lingkod. Hindi ko po alam kung gaano ito kahaba but gusto ko sanang short story lamang. First time ko po ito at sana magustuhan niyo. I'll try my very best po. ☺
10 parts