Si Amy ay may kakayahang i-rewind ang oras ng naayon sa kanyang kagustuhan. Ang biyayang ito na ipinagkaloob sa kanya at kaniyang nagagamit dahil sa isang kadahilanan, ang sagipin ang kababatang si Dean na namatay sa nakaraan. Pero hindi niya maalala ang mga kaganapan dahil napahamak siya at muntikang patayin ng Babaeng Nakaputi. Ang kababata ay napaparamdam sa kanya at unti-unting naaalala ang kanilang pinagsamahan. Salamat rin sa tulong ng dalawa pa nilang kababata na sina Eri at France, tuluyan na nga niyang nabalik ang alaala ng nakaraan. Sa pagtupad ng kanyang misyon, sa kalagitnaan ng pagbabalik sa nakaraan, na-trap siya sa ibang panahon dahil pinigilan siyang muli ng Babaeng Nakaputi. Paano niya masasagip si Dean? Mapipigilan ba niya ang kaaway na kasama niya noong simula pa lang? Ano ang mangyayari sa relasyon nila ni Dean at maaalala pa rin kaya ng kanyang kababata ang nakaraan? Paano kung ang tanging paraaan lamang para makamit ang isang minimithing hinaharap ay ang pagre-rewind ng nakaraan?