This is my first shot, so please be good to me. At paki-excuse na lang ng grammar at style ko. Wala eh, ganun talaga.
This story is purely a product of my imagination. Isali na rin natin ang impluwensya ng barkada at IBANG aksidente sa buhay ko. Hahaha medyo random yan. Kaya ngayon pa lang, hinihingan ko na ng pasensiya.
-------
Our first acquaintance was at the terminal. after that, hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o pinaglalaruan lang ako ng utak ko. Lagi ko siyang napapanaginipan. Weird and random dreams of sunlight, laughter.. a kiss.
Lagi ko na lang siyang nadadaplisan ng paningin ko. Sa park, sa library, sa panaderya.. Bigla ko na lang makikita yung mukha ng lalaking yun. Sabagay, with benefits din naman ako. Ikaw ba naman makakita ng isang tunay na likha ng Diyos. And, stalker mo pa!!!!
Okay, scratch that. Assumingera lang tayo? Madalas lang talagang nagkakatagpo yung landas namin. Siguro??
Until he tells me that I am his long lost love.
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.