Mae's POV Di ko na alam kung san ako napadpad sa pag tatakbo ko ng mabilis. Gubat naman ang paligid ng headquarter namin kaya di nila ako mabilis makikita ditto sa paborito kong lugar. May ilog dito, mga bundok, mga bulaklak, mga puno at higit sa lahat banayad ang hangin. Nahiga lang ako dun sa damuhan at nakiramdam sa paligid. Ang sarap langhapin ng hangin at ang sarap pakinggan ng mga ibon. Pagkaraan ng ilang oras di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako ng may narinig akong mga kaluskos sa paligid. Ngayon ko lang namalayan gabi na pala. Sobrang tahimik at parang may nag-iba sa paligid. May nararamdaman akong pamilyar na presensya. "Akala ko tanga ka Mae, pero di pala. Naramdaman mo ako agad, dahil dyan namangha ako bigla sa inasal mo" Ku-kuya Mark "Kuya..." ba't parang ang hirap magsalita. Pero bigla nalang akong napa-atras sa ibinigay nyang awra.