6 parts Ongoing Ang Librong 🆂🅿🅶 (🆂toryang 🅿antulo't 🅶abay),
Ay isang makabagong aklat na dapat isubaybay.
Ang mga pinagdaanan ng akda at kuwento,
Ay naririto, kaya halina't tuklasin ito.
👄🫀📖
🆂a iyong pagdayo, ikaw ay magtataka kung paano mo naisipang gawin ang ganitong bagay. Kung paano mo nagawang pindutin ito dahil namataan mo ito kung saan mang dako. At dahil sa kuryosidad, narito ka at binabasa ang deskripsyon kung tungkol saan ito. Ano nga ba ang dahilan? Marahil, sinadya ka talaga ng tadhanang mapadpad dito. Naintriga ka sa pamagat kaya dumiretso ka agad, at kung gayon ang nangyari, ikaw ay aking binabati!
🅿ero kung ikaw ay lilisan rin agad, hahayaan na kita. Wala rin namang magagawa dahil ginusto mo iyon. Ngunit huwag mong pagsisisihan na minsan mo itong itinakwil. Hindi sa pangongonsensya ang intensyon, kasi ano naman ang mapapala? Ewan. Ngunit dito, mayroon naman. Ordinaryo man ang nasa labas, esklusibo naman ang nasa loob. Sa maikling salita, kabog. Isang himala na ikaw ay nanatili!
🅶alawin na ang iyong kamay at dumako sa mga susunod na hakbang upang basahin kung anong naririto. Ito man ay hindi nobela, epistolaryo, o iskriptong teksto, pero tinitiyak na mas higit pa ito sa iyong masisilayan. Ang isang hamak na eksperimentong imbento ay inilimbag upang mas mabigyang linaw ang mga maaaring maglaman gaya ng seryosong paksa, tema, at ideya tungo sa ginawang akda pati ang ibinuong kuwento na ibabahagi!
Ang wikang ginamit ay may 80% sa Tagalog, at 20% sa Ingles.
Asahan ang pagkakadala ng talumpati ay may halong kaswal at pormal.