Akalain mo nga namang ang dating babaeng-babae kung kumilos ay bigla na lang magiging 'One of the boys'? Let's enter-- Sherise Monica Jose. Ang babaing palaban. Simula ng malaman niyang matagal na pala siyang niloloko ng boyfriend niyang si Landher Jade Alcantara, pakiramdam niya ay sirang sira na ang buhay niya. Nang dahil sa sobrang galit at sama ng loob, ay nagawa niyang isumpa sa kanyang sarili na hindi na siya muling magmamahal pa. "What for? para lang masaktan ulit?" isip niya. Gusto niyang magbago hindi para kung kani-kanino, kundi para sa sarili niya mismo. And there she met a new barkada. Ang barkada kung saan niya muling naramdaman ang saya na akala niya'y di na muling mararanasan pa. She became one of the boys. Laging siyang inaasar ng mga kabarkada niya kay Kian Aron Lington-- A totally handsome, basketball player at sobrang sungit at pinakatahimik niyang kabarkada. Kesyo bagay daw sila. Kaso mukhang ayaw sa kanya ng binata dahil mas lalaki pa daw ito kumilos at palaban din. 'Bestfriend' lang talaga ang tingin nito sa dalaga. Pero nang tumagal, hindi nila inaasahang magbabago si Sherise. Mula sa pagiging boyish or 'one of the boys', ay biglang babalik sa pagiging girly? Hindi niya alam na unti-unti na palang nahuhulog sa kanya ang binata. Mababago pa ba ang desisyon na hanggang Bestfriend lang talaga ang turingan? Babawiin pa kaya ni Sherise ang sumpa na hindi na muling magmamahal? O sa wakas at papayagan na rin niya si Kian na pumasok sa buhay niya?