Aeries and Aerin, twin sisters who were raised in two different world. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumating sa punto na kailangang magpanggap si Aeries bilang si Aerin. Naniniwala siyang hindi aksidente ang nangyari sa kambal at malaki ang koneksyon ng mana nito sa nangyari sa kapatid, Aerin is an heiress of a multinational company. Hindi siya papayag na ang mga taong gumawa non sa kambal ang makinabang sa yaman ng kanyang pamilya. Para maisakatuparan ang plano ay kailangan niyang magpanggap hindi lang sa mga magulang kundi maging sa mga tao sa paligid nila; mga kaibigan, kamag-anak o kahit kay Levy, ang nobyo ni Maxine, step sister ni Aerin. Paano magpapanggap si Aeries bilang si Aerin kung ang Levy na nasa harap niya ang Levy na dati niyang nobyo na bigla nalang naglaho tatlong taon ang nakalipas? Paano mababago ng pagpapanggap na ito ang buhay nila? Maitatama pa kaya nito ang noon ay pagkakamali ng mga magulang o isa ito sa magiging dahilan upang mas magulo ang buhay na meron ang isa't-isa?