May pag-ibig na gusto mo pero di pwede. May pag-ibig na mali pero masaya ka. May pag-ibig na tama pero kinukulong ka. May pag-ibig na dami humahadlang, at pag-ibig na dapat pinaglalaban. May pag-ibig na pilit mo pang pinanghahawakan. Pero may pag-ibig na dapat pakawalan. PAKAWALAN??? Hindi... Hindi... Gusto ko ang pag-ibig nato kahit hindi pwede. Mali ang pag-ibig nato pero dito ako masaya. Ayoko makulong sa pag-ibig na tama na di naman ako malaya. Handa ko ng ipaglaban ang pag-ibig na daming humahadlang. At ang pag-ibig nato, Hinding hindi na pakakawalan. - AD