Nakilala mo siya at bigla na lang nagkagulo ang mundo mo. Ayaw mo mang aminin pero simula nang dumating siya ginusto mo na ang magulo. Ako yung tipong oobserbahan ang galaw ng iba pero dumating ka at ikaw na lang ang napansin ko. Hindi kita maintindihan. Ang gulo mo. Parati kang galit at tinutulak mo palayo ang mga tao sa paligid mo tapos malulungkot ka kasi pakiramdam mo mag-isa ka. "Ano, paaalisin mo na naman ako?" Tanong ko. Nahagilap ko ang mga mata niya. "Bakit mo ba ako pinagtitiyagaan?! Alam ko naman aalis ka din. Umalis ka na please lang hangga't hindi pa ako tuluyang nahuhulog. Please." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mukha at pilit na hinarap sakin. Nakapikit ang mga mata niya. "Open your eyes please. Look at me." Minulat niya ang kanyang mga mata at nagkatitigan kami. I smiled "Sino ba kasing nagsabi na aalis ako? I know that I make you sane in your world of insanity and believe me when I tell you that, I want every piece of insanities you've got."