34 parts Ongoing Love #1
Devika Alvarez, isang dalagang sugatan sa unang pag-ibig, naligaw ng landas, at halos masayang ang kinabukasan bilang iskolar sa isang prestihiyosong unibersidad. Akala niya'y tapos na ang lahat nang masira ang puso niya. Pero sa gitna ng pagkawasak, dumating ang isang lalaking may dalang tanong, lihim, at posibilidad ng bagong simula.
Mateo Villareal, isang tahimik ngunit may presensyang transferee, ay bigla na lang lumitaw-walang may alam kung bakit siya lumipat sa kalagitnaan ng taon. Ngunit sa isang hindi inaasahang aksidente, nagtagpo ang landas nila ni Devika. Mula roon, naging tutor niya si Mateo-at kasabay ng mga araling pilit niyang hinahabol ay ang unti-unting pagkakabuhol ng kanilang mga damdamin.
Ngunit ano nga ba ang tunay na dahilan ng pagdating ni Mateo? At paano kung hindi lang simpleng tutor-student ang relasyon nilang dalawa... kundi isang koneksyong kay tagal nang itinadhana?