Sa dinami- dami ng Tao sa Mundo, ikaw pa ang Nakita at nakilala ko. Sa daming oras at Panahon na sinayang ko, ikaw lang pala ang hinahanap ko. Sa daming mga pagsubok na hinaharap natin , ang hindi ko alam ay minamahal na pala Kita. Sa Araw- Araw na pag-aasam, Hindi maiiwasan ang sumuko at ipagpabahala na lamang ang lahat ng nasimulang pagtitiis at lahat ng pagmamahal.. Malabong May Hindi umeksena sa lahat ng relasyon , ngunit Kung ipaglalaban mo, may magagawang paraan ang tadhana para sainyo. Mahirap para isang katulad ko ang mag-mahal ng nag-iisa. Kumbaga; Ako lang ang napupuno ng pagmamahal para sa isang babaeng mahal ko at iniingatan ko. Tiniis kong magselos, magalit, at magtampo sayo, ngunit Hindi pa sapat ang lahat ng iyan para maging akin ka at maabot mula sa langit Dahil ikaw ang nagsisilbing bituin na nagpapasaya sakin kapag Nakita ka nang kumislap saakin. Iniisip ko na para kang bituin na kapag lumitaw ay napapangiti, ngunit nawala sa iglap ng pagkislap.All Rights Reserved
1 part