Alam nyo ba yung feeling na biglaan ka na lang napangiti dahil may naalala kang memorya kasama ang taong espesyal sa'yo, yung feeling na bigla na lang tumigil ang mundo mo nung nakita mo sya, yung feeling na hindi mo sya magawang titigan, at yung feeling na gusto mo syang kasama parati. Oo, LOVE na yan. Minsan mabibigla ka na lang sa nangyayari sayo na kakaiba pag andyan sya. Masarap magmahal lalong lalo na kung mahal ka rin nya pero minsan nasasaktan dahil umasa ka ng sobra sobra. Pero wala yuun dahil darating at darating rin ang tamang tao para sayo.
8 parts