Naalala ko pa nung una tayong nagkakilala.
5 years old pa lang ako noon.
nag-iisa ako sa playground nang bigla kang dumating at ginulo ako
"Oy panget!"
"Hmp! makapagsabi ka naman ng panget bakit close ba tayo?"
"Hindi. Kaya nga nilapitan kita eh para makipagclose sa'yo"
"bleh! ayoko sa'yo tsaka sabi kaya ni mommy ko don't talk to strangers"
"Ang sama mo naman pasalamat ka nga may lumapit sa'yo eh. hmmp oist! Bestfriend na kita ha" nakangiting sabi mo
"eh! ayoko nga sa'yo!" pagmamaktol ko pa noon
"ehh! sige na"
Hindi ko pa din alam ang ibig sabihin ng bestfriend noon
"ang kulit mo! oo na basta huwag mo na ako lalapitan ah."
"ha?! may magbestfriend bang ganun?"
"eh huwag ka nang makulit! alis na ko hanap na ko ni mommy ko"
"hehe sige babye see you tomorrow bestfriend"
"ay ewan ko sa'yo!"
at dun na nga nagsimula ang lahat. Lagi mo na akong kinukulit kahit na nung araw na yun hindi mo pa alam ang pangalan ko.
Ikaw ang nagpakilala sa akin ng salitang "bestfriend" at ikaw di ang nagbigay ng depenisyon nun.
Lumipas ang halos sampung taon nang ikaw ang lagi kong kasama.
nakakatauwa nga kasi hindi pa rin nagbago ang lahat ikaw pa rin talaga yung chinitong bata na nakilala ko noon.
Pero hindi ko inaasahan na darating ang araw na kinakatakutan ko, ang paglisan mo nang hindi nagpapaalam. Well I guess I'm stupid enough to believe in such lies.
At ngayong nagballik ka na, maayos mo pa kaya ang lahat?