Dear Perseus,
Hi! Una sa lahat, Happy 20th birthday! Hahaha ang tanda mo. I wish you good health and more blessings to come. Sana magustohan mo ang regalo ko para sayo, nako pinaghirapan ko yan! Pag di mo nagustohan magtatampo ako sayo. Magtatampo lang naman 'no, pero syempre mahal na mahal kita. Mahal kita ng sobra sobra. Naalala mo pa ba yung seventeen gifts and letters ko sayo? Basahin mo ulit lahat nang yung para maalala mo kung paano ako nahulog sayo. Paki-basa ng paulit-ulit kada birthday mo. Gusto kong maalala mo ako hanggang sa pagtanda mo. Oo, pagtanda mo lang at pasensya na kung hindi ako makakasama sa pagtanda mo, pagtanda natin. Gusto kong mabasa mo sa mga liham ko na mahal na mahal kita kahit di ko nasulat yun sa mga nakaraang liham ko, ngunit alam kong mararamdaman ko 'yon. Pasensya ka na kung hindi ko matutupad lahat ng ipinangako natin sa isa't isa. Perseus, mawawala ako. Mawawala ako ng matagal. Matagal na matagal at hindi ako kailan man makakabalik. Hindi man natin matutupad ang ating mga gusto, pero gusto ko sanang wag mo akong burahin sa utak at puso mo. Dahil ako, mawawala ka na sa memorya ko, sa utak ko. Pero alam kong kahit kailan hindi ka mabubura sa puso ko. Ipinangako ko sa sarili kong magbibigay ko ng regalo sa'yo kada kaarawan mo. Kaya naman ng padala ako ng mga regalo mo. Mga regalo hanggang tumanda ka at sana buksan mo lang ito isa isa kada kaarawan mo. Pangako yan ah?
Sorry kung hindi ako makakadalo sa kasal natin. Sorry kung hindi ako makakadalo sa binyag ng anak natin. Sorry kung wala ako sa mga anniversary at sa birthday mo at ng anak natin. Sorry kung iiwan kita at mawawala ka na sa memorya ko. Mahal na mahal kita, Perseus. 'Yan ang hindi mawawala kailan man.
You may be dead in my memories, but you will always live in my heart.
Goodbye.
Love,
Your Queen
----------------------------------------------------------
Credits to cinderellas-stilettos for the photo