Naranasan mo na ba... Yung pinakilig ka lang pala.. Yung tipong dumaan lang pala talaga siya sa buhay mo at.. Walang planong magtagal. Kumbaga isang malaking PA-FALL!. Saklap diba? Ako si Allyson Janne Stephenson. Maganda? Oo Sexy? Oo Matalino? Oo naman! Mabait? Hmmmm?! Oo? At minsan nang ma-fall kaso walang sumalo ang sakit huhu. Ano pa bang kulang sa akin? Mayaman din naman ako. Ano pa ba ang hinahanap nila? Tsk! Bahala na nga sila basta ayoko ng ma-fall ulit. Tama na. Allyson Janne Stephenson tama na ah last na yan! Bawal ma-fall okay? Nakakadurog na puso yun lalo na't walang sasalo sa pagkahulog mo.