Paano ko ba to sisimulan? dapat ba masaya o yung tipong malungkot? Bago mo basahin to, gusto ko lang malaman mo na hindi ito love story. Ito ay mga tanong na galing mismo sa puso ko.
Gaano nga ba kahirap UMASA? na mahalin ka pabalik ng taong mahal mo.
Gaano nga ba kahirap MAGHINTAY? sa taong ni minsan hindi ka naman talaga binigyan ng chance para iparamdam mo sa kanya na mahal na mahal mo sya.
Kelangan mo pa ba talagang MASAKTAN, para masagot ang mga tanong na yan?
Minsan ba natanong mo na sa sarili mo..
Kung hindi ko kaya sya nakilala?
Kung hindi ko kaya sya pinansin?
Kung hindi kaya ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kanya na MAHAL ko sya.
MASAYA kaya ako ngayon?
Bakit kaya ganun no? kung kelan ka nagmahal ng totoo, napili mo pa yung hindi seryoso. Yung tipo ng tao na walang pakialam sa nararamdaman mo.
Ang hirap no?
Sabi nga nila...
- May mga bagay na kahit gusto mo, kelangan mong bitawan.
- May mga tao na kahit napapasaya ka, ay kailangang iwasan.
- May mga desisyon na dapat gawin, kahit napipilitan.
- At may mga pagkakataon na kapag ginawa mo ang tama, ikaw ang mahihirapan.
- Dahil may mga bagay na kapag pinagpilitan, sa huli ikaw rin ang masasaktan.
Ang daming tanong no? pero wag mo ng isipin yun, ganyan lang talaga siguro angbuhay. Yung mga bagay na nakasanayan mo na, biglang bigla nalang mawawala kaya dapat masanay ka na.
Kasi si GOD. lagi yang UMAASA, lagi yang
NAGHIHINTAY, lagi yang NASASAKTAN pero hindi bumibitaw.
Salamat sa pag basa... sana magustohan nyu.