Sa panahon natin ngayon, marami ng iba't ibang paraan para mabuhay. Ikaw kailangan mong magtrabaho para mabuhay, samantalang yung iba nabubuhay para magtrabaho.
Kung sino ang mayaman, siya ang angat. Kung sino ang may pera, siya ang may kapangyarihan. Kapangyarihan tumapak ng karapatan ng ibang tao. Karapatang ismolin ang sinumang hindi sumasangayon sa gusto nila.
Bakit kaya hindi na lang tayo magtulungan? Tutal... tayo rin naman ang magaangat sa mga sarili natin. Natuto kasi tayong mga Pilipino na manghila ng kapwa natin pababa, Crab Mentality ang pinapairal.
Gahaman. Mukhang pera. Gold digger. Madamot. At kung ano-ano pa. Marami kasing puwedeng itawag sa mga taong nasa langit na ang taas. Pero, siyempre all man for himself nga naman.
Hindi tayo nabubuhay sa mundo ng Disney, na mayroong babaeng from rugs to riches nang dahil lang sa kanyang fairy god-mother o 'di kaya'y may babaeng na-coma, hinalikan lang ng lalake, gumising na.
Dahil ang katotohanan... masakit. Kaya mas pinipili nating paniwalaan ang hindi totoo.
DISCLAIMER: This story is pure-fiction. Characters, places, and events featured in this story, that may resemble anyone/anything in real-life, is purely coincidental and does not partake in any activities. Hope you all like it.