PAG-IBIG ko sa taong may mahal na iba? Sometimes I realize na kailangan ko ng sabihin sa kanya ang lahat pero wala. Ni-isang salitang pinagpraktisan ko ng matagal ay hindi ibinuka ng aking bibig. Kailangan ba talagang maging ganito ang sitwasyon namin? Bakit pa kasi siya? Pwede naman ibang lalaki. Ang hirap ng ganito. Lahat na kasi ng paraan ginawa ko na para lang maitago ang nararamdaman ko. Katulad ngayon kahit masakit at ayaw ng puso ko kailangan e. Masyado naman kasi akong mapapaka-selfish kung aayaw ako. Kahit papaano kaibigan ko sila at kahit ang nakataya dito ang sarili kong kaligayahan.
1 part