Is it possible to love someone who already love someone else? Nakakatawang isipin pero para sa iba ay katangahang matatawag ang mag mahal ng taong may mahal nang iba. Pero para sa iba ay natural lang na mag mahal ka na ganoon ang sitwasyon. Pero hindi mo maiwasan ang masaktan. Dahil posible nga na mag mahal ka pero mas lamang yung posibilidad na masaktan ka. Kasi may posibilidad na, hindi ka mahalin nung taong yon. Pero paano kung pagtagpuin ang dalawang taong hindi pinagpala pagdating sa pag-ibig. Matatawag ba na tadhana yon? O sadyang pinagtagpo lang sila para masaktan yung isa? O kaya sila pinagtagpo para ipa-realize sa isa't isa na hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao... Well, let's see kung ano bang magagawa ng love para sa kanila. Let me rephrase it. Ano kayang magagawa nila para sa love.