Gaano ba kahirap mamuhay sa mundong wala ng kaayusan, dahil sa namuong digmaan sa pagitan ng mga totong tao at di ordinaryong tao? --- Sanggol pa ako ng tumira kami sa isang siyudad na mayrooong magandang pamumuhay ng tao. Mayroong masaganang lipunan at maayos na kapaligiran. Ngunit isang araw, sinugod ng hindi mahinuhang uri ng tao ang siyudad na iyun. Pinasabog nila ang mababa at matataas na gusali, ang mga bahay-bahay at pinag- papatay nila ang mga taong nakatira doon. Ganun pa man mayroon din namang mga nakaligtas. Kabilang kami 'ron. --- Maraming pagbabago ang nangyari matapos ang trahedya. Ang mga nakaligatas ay pinadala ng Pangulo sa tagong lugar kung saan mayroon ding maayos na pumumuhay at para maka-pagbagong buhay muli. Simula noon, nabuhay ang mga tao sa sariling sikap na maka-pagsaka, mangisda at mamundok. Upang maghanap ng kanilang makakain at mabuhay ng masagana. --- Samantala, ang Pamahalaan ng bansa ay nagbago. Buwan-buwan may dumdalaw na isang malaking truck ng Militar sa aming lugar at kumukuha ng mga binata at dalaga sa bawat isang pamilya. Sabi ng aking ina, ginagawa silang alagad ng pamahalaan upang protektahan ito, kung sakaling bumalik ang mga hindi ordinaryong nilalang na nais wasakin ang Bansa. Isa ang aking nakatatandang kapatid ang napasama sa mga iyun. Noong una may nasasagap pa kaming balita sa kanya mula sa lugar kung saan sila dinala. Hanggang isang araw ay wala na kaming natatanggap.