Gusto mong may masabihan ng bigat ng nararamdaman mo, pero dahil alam mong walang makakaintindi sayo at alam mong mas lalo lang gugulo yung mga iniisip mo kapag nanghingi ka ng advice sa iba eh mananatili ka nalang na magisa, hawak ang yellow paper at ballpen mo.
Piipiliin mo nalang na isulat dito ang lahat.
Walang perpektong relasyon...Sa ayaw at gusto mo dadating ang mga pagsubok na hindi mo inaasahan na maaring magpabago sa pagtingin nyo sa isa't isa. Handa niyo kayang harapin ito??, makakayanan nyo kaya?? O Mapapasuko kayo nito??